ULAP
Mapaglaro ang hangin…kung kailan nakabuo ka na ng magandang imahe sa mga ulap saka naman nito hihipan at buburahin.
<Lola’s Garden, Eden, Davao City>
PATULOY ANG BUHAY
May mga araw na lumilipas lamang; ni hindi mo maalala kung anong nangyari sa araw na iyon. Kay sarap balikan nang malaman, pero para saan pa? Ang mga araw na iyon ay lumipas na…hanngang dito na lang sana, nakayuko na ako para sa mga bukas na darating pa.
<Sta. Ana Wharf, Magsaysay, Davao City>